TRADE AND INDUSTRY | LEGISLATIVE WORK
PRANGKISA NG DITO TELECOMMUNITY PUMASA NA SA THIRD READING
[Not a valid template]PUMASA NA SA THIRD READING ang HB 7332 o ang pagbibigay ng prangkisa sa Dito Telecommunity (Dito).
Sa panahon ng pandemya, kinakailangan natin ang malakas at maaasahang Internet at Communication Technology upang maipatupad ng maayos ang distance learning, work from home at e-governance. Ito na ang solusyon sa mahinang telekomunikasyon at internet service sa bansa!
Inaasahang aabot sa 1,300 na bagong cell sites ang itatayo ng DITO, na kayang abutin ang 37% ng populasyon pagsapit ng Enero 2021. Sa pagpasok ng bagong kompetensya, lalong bibilis ang serbisyo, bababa ang presyo at madaming mapagpipilian ang bawat Pilipino!
PRANGKISA NG ABS-CBN DAPAT BANG PAYAGAN MULI NG KONGRESO?
[Not a valid template]Naging masalimuot ang diskusyon at pagbalangkas ng mga kinatawan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa pagtalakay ng prangkisa ng ABS-CBN patungkol sa konstitusyonalidad, problema sa wastong pagbabayad ng buwis, paglabag sa mga probisyon ng naunang prangkisa, at iba’t-iba pang samu’t-saring kinasasangkutang problema ng Korporasyon na diumano’y nakakasagabal sa pagbibigay muli dito ng Kongreso ng panibagong prangkisa.
Bilang kinatawan ng National People’s Coalition (NPC), tumayo at nagpahayag si Cong. Wes sa plenaryo noong ika-20 ng Mayo 2020, ng saloobin ng kanyang kasaping partido at nagsabing mas mainam na matalakay ang mga isyung kinakaharap ng ABS-CBN sa isang malaya at bukas na pagpupulong ng Komite ng Legislative Franchise, kung saan isa din syang myembro:
“The consensus among members after consultations, revealed that it would be best to hear the surrounding allegations at the Committee level, give the network the proper forum to answer them, and give the membership the decision on the proper course to take. Sumasang-ayon po kami sa desisyon ng liderato at kalakhan ng miyembro ng mababang kapulungan na italaga sa Komite ang pagpupulong para sa maayos at patas na pagtatalakay sa prangkisa ng ABS-CBN.”