DEPUTY SPEAKER WES GATCHALIAN

Itinalaga si Hon. Wes Gatchalian bilang isa sa Deputy Speakers ng ika-18 na Kongreso ng Mababang Kapulungan noong ika-8 ng Disyembre 2020. Siya ang pinaka-unang Deputy Speaker na hinirang mula sa Lungsod ng Valenzuela. Pinamumunuan niya ang talakayan ng mga panukalang batas na may kinalaman sa trade and industry, transportation, information and communications technology, at micro, small, and medium enterprise development.
HIGHLIGHTS OF LEGISLATIVE WORK:
PHILHEALTH | ECONOMIC CHACHA | CONTRACTORS’ LICENSE | INTERNET TRANSACTIONS | SONA | E-CIGARETTES | DITO | OTOP | NEW NORMAL | CSR | WAREHOUSE RECEIPTS | RETAIL TRADE | FOREIGN INVESTMENTS
*For more information, visit the 18th Congress Legislation Page.
DS GATCHALIAN, NAIS ISUSPENDE ANG PAGTAAS PHILHEALTH PREMIUM RATES
[Not a valid template]
Dumalo si Deputy Speaker Wes Gatchalian, bilang kahalili ni Speaker Lord Allan Velasco, sa pagdinig ng Committee on Health ukol sa pagsuspende sa pagtaas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) premium rates, noong ika-21 ng Enero 2021.
Ang House Bill No. 8135, na inihain ni Speaker Velasco, ay naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang Presidente ng Pilipinas na suspendihin ang pagtaas ng PhilHealth premium rates sa panahon ng pambansang krisis, kung ito ay makabubuti para sa kapakanan ng taumbayan. Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang nag-utos sa nasabing pagsuspendi para sa taong 2021. Naghayag na din ng suporta si DS Gatchalian sa panukalang ito ni Speaker Velasco, kasunod din ng pagatig sa layunin nito ng Pangulong Duterte.
Bahagi ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Healt Care Act ang mandato na magdagdag ng premium rates upang mas magkaroon ng kapasidad ang gobyerno na makapagbigay ng iba’t ibang tulong medikal sa mga Pilipino. Ngunit, dahil sa paghihirap ng mga manggagawa sa suliranin na dulot ng pandemya, ang nasabing pagtaas ay hindi napapanahon sapagkat ito ay magpapataw ng karagdagang pasanin sa ating mga kababayang nagsisimula pa lang bumangon mula sa epekto mahinang kita o hanapbuhay sa panahon ng krisis.
Pumasa sa ikatlong pagbasa ang nasabing panukalang batas noong ika-1 ng Pebrero 2021.
mula sa Balitang Wes Volume 19
ECONOMIC CHA CHA, NAPAPANAHON NA
[Not a valid template]
Sa ginanap na pagdinig ng Committee on Constitutional Amendments noong ika-14 ng Enero 2021, ipinahayag ni Deputy Speaker Wes Gatchalian ang kanyang suporta sa pag-amyenda ng mga probisyon ng saligang batas na may kinalaman sa pagbubukas ng ekonomiya ng ating bansa. Sa kasalukuyan, ang Resolution of Both Houses No. 2 (“Proposing amendments to certain economic provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, particularly on Articles II, XIV, and XVI) ay binabalangkas ng Committee on Constitutional Amendments.
Bilang dating Chairman ng Committee on Trade and Industry, na nagsulong ng House Bill No. 59 o ang Retail Trade Liberalization Act at House Bill No. 300 o ang Foreign Direct Investments Act, naniniwala si DS Gatchalian na ang pag-amyeda sa saligang batas ay makakatulong sa pag-angat ng FDI, na siya namang nakakapagpasigla ng ating ekonomiya – sa papamgitan ng paggawa ng mga bagong trabaho, pagtaguyod ng kompetisyon, at pagpasok ng mga bagong teknolohiya sa bansa.
mula sa Balitang Wes Volume 19
PAG-AMENDYA SA CONTRACTORS’ LICENSE LAW, PASADO NA SA IKATLONG PAGBASA
[Not a valid template]
Ang House Bill No. 7807 o ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 4566 o ang Contractors’ License Law ay pumasa na sa ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan noong ika-15 ng Pebrero 2021. Sa pamamagitan nito, lalong yayabong ang contracting business sa bansa at tataas ang kalidad ng konstruksyon sa pampubliko at pribadong sektor.
Nasa 56 na taon na ang nakalipas mula noong naipasa ang batas, at kailangan na nitong amyendahan para maging akma sa pangangailangan ng kasalukuyang construction industry. Ilan sa mahahalagang bahagi ng panukalang batas ay ang pagtaas ng parusa para sa paglabag sa batas at ng application fees.
PROTEKSYON PARA SA ATING MGA ONLINE CONSUMERS AT MERCHANTS, MALAPIT NANG MAKAMIT!
[Not a valid template]
PUMASA NA SA IKATLONG PAGBASA sa Mababang Kapulungan at House Bill No. 7805 o ang Internet Transactions Act noong ika-25 ng Nobyembre 2020. Ang natatanging panukalang batas na ito ay masinsinang pinag-aralan at binalangkas ng Committee on Trade and Industry, sa tulong ng mga experto mula sa pribado at pampublikong sektor.
Layunin nitong tugunan ang kasalukuyang paglagabap ng iba’t ibang scams at ilegal na produkto online na siyang nagdudulot ng kalbaryo sa mga mamimili at negosyante. Ilan sa mga mahahalagang bahagi ng panukalang batas ay:
- Pagtatag ng eCommerce Bureau na magsisilbing one-stop-shop para sa mga reklamo ng mamimili;
- Pagrehistro ng mga negosyanteng nais magbenta online;
- Pagbigay ng eCommerce Trustmark para sa mga papasa sa aplikasyon ng pagrehistro;
- Pagbabawal sa pagkansela ng order oras na ang ride hailing partner ay papunta na sa nag-order;
- Solidary liability para sa negosyante at online platform para sa pinsalang maidudulot ng transaksyon sa mamimili;
- Limited liability para sa online platform para sa hindi pagsunod sa Section 26 ng nasabing batas; at
- Multa na katumbas ang halaga ng lahat ng produktong kanyang binebenta ng negosyante, kung siya ay hindi rehistrado; at multang nagkakahalaga ng PHP500,000-PHP5 Million, para sa mga negosyante at online platforms na lalabag sa nasabing batas.
mula sa Balitang Wes Volume 18
INTERNET TRANSACTIONS, BIDA SA SONA NG PANGULO!
[Not a valid template]
Ikinagagalak ni Cong. Wes ang pagkabilang sa mga pangunahing panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ang pagiging “paperless” o digital ng mga transaksyon sa gobyerno at ang pagprotekta sa mga mamimili online.
Napapanahon na ang pagtugon sa nasabing mga problema. Bilang Chairman ng Committee on Trade and Industry, sisiguraduhin niya na ang mga panukalang batas na ihahain sa kanyang Komite ukol sa mga transaksyong nagaganap sa Internet at sa pagyabong ng e-commerce – kabilang na ang House Bill No. 7805 o ang Internet Transactions Act – ay agaran niyang tutugunan, sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI), at iba pang ahensya ng gobyerno.
We need to build trust and confidence in online transactions. Stronger protection for online consumers and enabling measures for online businesses are needed through the enactment of an Internet Transactions Act. This is very good.
– Pangulong Duterte
mula sa Balitang Wes Volume 18
PANUKALANG BATAS NA MAGREREGULA SA KALAKALAN NG E-CIGARETTES, PUMASA NA SA KOMITE
[Not a valid template]
Ang House Committees on Trade and Industry at Health ay nagkaroon ng joint hearing noong ika-27 ng Agosto 2020 via Zoom upang pagbotohan ang pag-apruba sa Joint Committee Report ng E-Cigarette Bill.
PUMASA NA SA KOMITE ang panukalang batas na naglalayong maregula ang kalakalan ng Electronic Nicotine Delivery Systems (electronic cigarettes) at Heated Tobacco Products (HTPs), sa botong 45 for, 5 against, at 2 abstain.
Sa loob ng 3 na pagdinig at 6 na pagpupulong ng Technical Working Group, sinuring mabuti ang panukalang batas ng Committee on Trade and Industry, sa pamumuno ni Cong. Wes Gatchalian, at ng Committee on Health, sa pamumuno ni Cong. Angelina Tan.
Ang regulasyon ng electronic cigarettes at HTPs ay makakatulong upang masiguro na ang produktong kinakalakal sa ating merkado ay mas ligtas at hindi aabot sa kamay ng mga minor.
mula sa WES Gatchalian Official Facebook Page
PRANGKISA NG DITO TELECOMMUNITY PUMASA NA SA THIRD READING
[Not a valid template]
Ang House Committee on Legislative Franchise ay nagkaroon ng hearing noong ika-25 ng Agosto 2020 via Zoom upang pagbotohan ang pag-apruba sa panukalang batas na naglalayong bigyan ng prangkisa ang Dito Telecommunity
PUMASA NA SA IKATLONG PAGBASA ang House Bill No. 7332 o ang pagbibigay ng prangkisa sa Dito Telecommunity (Dito).
Sa panahon ng pandemya, kinakailangan natin ang malakas at maaasahang Internet at Communication Technology upang maipatupad ng maayos ang distance learning, work from home at e-governance. Ito na ang solusyon sa mahinang telekomunikasyon at internet service sa bansa!
Inaasahang aabot sa 1,300 na bagong cell sites ang itatayo ng DITO, na kayang abutin ang 37% ng populasyon pagsapit ng Enero 2021. Sa pagpasok ng bagong kompetensya, lalong bibilis ang serbisyo, bababa ang presyo at madaming mapagpipilian ang bawat Pilipino!
mula sa Balitang Wes Volume 18
PAGTATAG NG ONE TOWN, ONE PRODUCT PARA SA BANSA, PASADO NA SA KOMITE
[Not a valid template]
Noong ika-10 ng Disyembre 2020, pumasa na sa Commitee on Trade and Industry ang House Bill No. 7132 ni Cong. Argel Cabatbat at House Bill No. 7672 ni Cong. Loren Legarda na naglalayong itatag ang kasalukuyang programa ng Department of Trade and Industry (DTI) na “One Town, One Product” (OTOP) sa buong bansa.
Sa panahon ng pandemya kung saan maraming negosyo ang nagsara at marami ang nawalan ng trabaho, mahalaga ang mga programa na tulad ng OTOP na naghihikayat sa pagnenegosyo at nakakagawa ng mga bagong trabaho.
Sa kasalukuyang OTOP na pinapatupad ng DTI, ang mga namumuno sa bawat lungsod at munisipyo, sa pakikipagtulungan sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), ay nangunguna sa pagpili, pagpapaganda, at pagtaguyod ng mga produkto o serbisyong sa kanilang lugar na mabenta sa ating mga kababayan.
Ayon sa datos ng DTI, mula Enero hanggang Oktubre ng taong 2020:
- 13,031 ang MSMEs ang natulungan ng OTOP.
- 3,966 ang mga produktong nagawa sa ilalim ng OTOP.
- P1,316,000,876.94 ang benta ng OTOP sa lahat ng kanilang rehiyon.
mula sa Balitang Wes Volume 18
KAHANDAAN SA PAGPASOK NG NEW NORMAL, BINALANGKAS SA KOMITE NI CONG WES
[Not a valid template]
Pinahalagahan ni Cong. Wes ang kahandaan ng komersyo at industriya sa mga araw na magtatapos na ang quarantine sa bansa, kaya minarapat nitong magpatawag ng isang “virtual hearing” ng Komite ng Trade and Industry noong ika-30 ng Mayo 2020.
Gamit ang teknolohiya, isang talakayan na dinaluhan ng higit pa sa isang-daan na myembro ng Komite at mga kinatawan ng malalaking negosyo ang sumali at nagpahayag ng kanilang mga saloobin sa nasabing hearing.
Iginiit ni Cong. Wes sa lahat na kaakibat ng pagbabalik negosyo ay ang karampatang pagpapahalaga din sa kapakanan ng mga manggagawa, at ang responsibilidad ng bawat sektor ng namumuhunan na malaman ang mga alituntunin na dapat sundin para sa kaligtasan ng lahat.
Binalangkas din ng Komite ang mga sumusunod na usapin:
- Mga ginagawa ng DTI upang matulungan ang food service sector na makabangon, pati na rin ang mga panuntunan na kailangan nilang sundin sa kanilang pagbubukas sa ilalim ng GCQ;
- Mga paghahanda at pagbabagong ipapatupad ng mga restawran sa kanilang operasyon upang matiyak ang pagsunod sa Social Distancing protocols kung sakaling sila ay magbubukas sa ilalim ng GCQ; and
- Mga ayuda at tulong na ibinibigay ng mga mall owners sa kanilang mga tenant na kabilang sa food service sector.
mula sa Balitang Wes Volume 17
CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY, PUMASA NA SA IKATLONG PAGBASA
[Not a valid template]
Nakuha ng House Bill No. 6137 o ang Corporate Social Responsibility Act ang buong suporta ng Mababang Kapulungan sa botong 209-0 noong ika-20 ng Mayo 2020. Bilang may akda at dating Chairman ng Committee on Trade and Industry, kinagagalak ni Cong. Wes Gatchalian ang mainit na pagtanggap sa kanyang panukalang batas.
Layunin nitong bigyan ng insentibo ang mga pribadong kumpanya sa kanilang pagtulong sa gobyerno – lalo na sa panahon ng pandemya, kung saan ang kooperasyon ng pribado at pampublikong sektor ay mahalaga para sa mas mabilis na pagtugon sa mga epekto ng COVID-19 sa bansa, at sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.
MODERNISASYON NG WAREHOUSE RECEIPT LAW, PASADO NA
[Not a valid template]
Pinagtibay na sa Komite ng Trade and Industry ang panukala ukol sa modernisasyon ng Warehouse Receipts Law (House Bill No. 4413). Isa sa mga layunin nito ang paglipat ng mga talaan ng warehouse receipts sa electronic format, upang ito ay maging akma at napapanahon sa bagong teknolohiya. Muling pinangunahan ni Cong. Wes ang hearing noong ika-9 ng Marso 2020. Kabilang sa probisyon ng nasabing panukalang batas ang mga sumusunod:
- Paggamit ng warehouse receipts bilang kolateral upang makautang; at
- Pagtatag ng Warehousing Accreditation Council.
mula sa Balitang Wes Volume 17
PAG-AMYENDA SA RETAIL TRADE LIBERALIZATION ACT OF 2000, NAIPASA SA IKATLONG PAGBASA
[Not a valid template]
Denepensahan ni Cong. Wes, bilang Chairman ng Trade and Industry sa Kongreso, ang House Bill No. 59 – na naglalayong amyendahan ang Retail Trade Liberalization Act of 2000 – sa Kamara kung saan iginiit at pinatunayan niya na mayroong pangangailangan para maipasa ang nasabing panukalang batas.
Kabilang sa nilalaman ng nasabing paukalang batas ay ang mga sumusunod:
- Pagtatalaga ng minimum paid-up capital na USD 200,000 mula sa dating USD 2.5 Million para sa mga foreign retail business;
- Pagtatakda na ang 10% ng imbentaryo nila ay mula sa lokal na produkto;
- Ma-engganyo ng mga foreign retailer na mamunuhan sa bansa;
- Pagtaas ng Foreign Direct Investment (FDI) sa bansa;
- Mas masiglang kompetensya sa retail industry;
- Pasiglahin ang wholesale at retail industry, na kasalukutang ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng trabaho sa bansa;
- Dagdag trabaho para sa mga kababayan natin;
- Mas murang mga bilihin; at
- Pagpasok ng makabagong teknolohiya at kaalaman sa bansa.
mula sa Balitang Wes Volume 16
FOREIGN INVESTMENTS ACT, PUMASA NA SA MABABANG KAPULUNGAN
[Not a valid template]
Sa botong 201-6, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 300, ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 7042 o ang Foreign Investments Act, noong ika-9 ng Setyembre 2019. Ito ay masinsinang sinuri at binalangkas ng Committee on Trade and Industry sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Wes Gatchalian.
Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ang mga banyaga ay pwede nang magmay-ari ng small and medium enterprises na may minimum paid-up capital na hindi bababa sa $100,000 kung ang kanilang negosyo ay may kinalaman sa advanced technology o may 15 empleyado pataas.